Sunday, August 12, 2012

It's Not The End

August 04,2012. 6:35 p.m

badtrip lang akoo sa ulan -___- grabehan lang ang pagbuhos at di man lang naisip na ang hirap umuwe pag gabe tapos nakapalda pa kame then baha pa sa Rizal, Barretto. Wala namang bagyo, hanging habagat lang pero kung umasta naman dinaig pa si Ondoy.

maaga kami pinauwe ng prof. namen sa last subject kong Rizal, kase alam niya mahirap na sumakay at baha na ang daan sa Rizal neto. Hirap pa ng trike kase di na makadaan nga kaya iikot sa ibang daan.

EXCITED na kase akoo umuwe, pagod na akoo at gusto koo na matulog agad pero pag labas namen ng gate, minalas nga naman. Wala kameng masakyang trike >:/ arg! ba yan!

CANTEEN MODE:
tambay muna tayo sa canteen habang nag'aabang na may dumating na trike. Para kameng isolated sa school. haha :D pinaka'gusto koo pag tumatambay sa canteen ay yung pagkaen ! yes! lamon kung lamon ok? at nandito pa si crush sa campus baka sakaling magkasabay kame. haha :D hopia akoo ee!

mga ilang minuto ang lumipas nakasakay na din kame. Bute may dumating na trike at kala namen sa school na kame matutulog. Patuloy pa din ang buhos ng ulan. Muntanga lang yung baha sa Rizal abot tuhod na agad.

7:10 p.m

Eto kame sa kanto nag'aabang ng sasakyan pauwe. Walang dumadaan na jeep o bus na walang sakay or may vacant man lang. Lahat puno ! asar! Oras kase ng uwian at grabe na yung pagbuhos ng ulan. *inip mode na akoo.

Nawala ang pagka'inip koo ng biglang dumating sa kanto yung grupo ng mga 1st year engineering students. HAHA :DD tawang tawa akoo sa kanila. Pinili nilang lusubin ang baha at naisipan pa nilang mag'paa, tanggalin ang jogging pants (PE kase nila ngayon) at magboxers nalang habang nilalakad ang baha. jk ba kayo kuya? ngayon lang na'experience ang baha?

BIGLANG ! dumating si crush :"D nagtrike sila (chicks kase ee) at biglang tumabi sila samen kaso **&^%$ may kasamang girl at pinapayungan niya to. BITCH ng girl ang arte sarap itulak at ilublub sa baha. OA lang kung mag'inarte. kala mo kagandahan ! (akoo na po ang galet) Kameng magtotropa malakas mantrip. Ugali namin pagnakapayong, bigla bigla hihilain ang payong para mabasa ka o kaya iikutin mo payong mo para makabasa ka. woo! Saya namen ikot ikot ng payong kunware enjoy lang pero deep inside: "MABASA NGA TONG DALAWA NA 'TO!". demonyo ee no. haha :D

TAPOS...

continuation next blog...
(papasok na koo ee. malelate na)


xoxo,
chieislove 



No comments:

Post a Comment

Thank you so much for dropping by, reading my post, and leaving some kind comments. I really do appreciate it all. Have a happy and healthy blogging everyone